P106-M tulay sa DBS, Maguindanao, maaari nang magamit ng mga residente at turista

MADALI na lamang ang paraan ng transportasyon para sa mga residente at turista sa baybaying bayan ng Datu Blah Sinsuat (DBS) sa probinsiya ng Maguindanao matapos pinasinayaan ang bagong tayo na Matuber Bridge sa nasabing bayan.

Inaasahang makapagbigay ng kaunlaran sa ekonomiya ng bayan ang P106-M na tulay.

Ang DBS ay isa sa labing-isang munisipyo na walang Internal Revenue Allocation (IRA) sa matagal nang panahon.

Nilikha ang DBS sa ilalim ng Regional Legislative Assembly ng noon ay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Dahil sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL), kabilang na ang DBS sa 11 munisipyo na nabigyan ng IRA.

Maliban sa DBS, nabigyan din ng IRA ang Datu Salibo, Datu Hoffer, Mangudadatu, Pandag, Northern Kabuntalan, Datu Anggal Midtimbang, and Basilan’s Akbar, Al-Barka, Hadji Muhamad, at Mohammad Ajul.

“This is the output of Moral governance…there is no other success except na ma-achieve natin kung ano ang ating minimithi; mawala ang lahat ng anomaly, mawala ang lahat ng all forms of injustices against our people and against BARMM. This is only a part of what we want to achieve later on,” ayon kay Bangsamoro Chief Minister Ahod B. Ebrahim.

“Our partnership with Mayor Datu Marshall Sinsuat and Vice Mayor Bai Raida Sinsuat has shown what we can achieve together if there is understanding and share vision to improve the lives of our people,” dagdag ni Ebrahim.

“The bridge symbolizes the needed connection among communities so that goods, services, and more importantly ideas can freely flow and interact so that we can push more rapidly development into this part of the province of Maguindanao,” ayon naman kay Minister of the Interior and Local Government Atty. Naguib Sinarimbo.

Kasabay rin na pinasinayaan ni CM Ebrahim ang bagong Municipal Hall ng DBS na may dalawang palapag.

“Pagsisikapan natin na hanggang nandito ang BARMM, ay magkakaroon tayo ng development projects para sa ikabubuti ng mamamayan. In Shaa Allah,” ayon naman kay  Minister Eduard Guerra ng Ministry of Public Works ng BARMM.

(BASAHIN: Lalawigan ng Maguindanao, itatayo ang 50 Solar-Powered Core Shelters)

SMNI NEWS