MULING nanawagan si dating speaker at Taguig- Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at ang mga kaalyado nito sa Kamara na agad ipasa ang inihaing House Bill No.5987.
Sa ilalim ng House Bill No.5987 ay makakatanggap ng dagdag na P1,500 kada miyembro o P10,000 cash assistance ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino sa ilalim ng nasabing programa.
Kasama sa may akda ng panukalang-batas sina Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte, Jr., Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu, Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez, Bulacan Ist District Rep. Jose Antonio “Kuya” Sy-Alvarado, at Anakalusugan Partylist Rep. Michael Defensor.
Sa isang pulong balitaan na ginawa sa isang mall sa Taguig City ay ipinakita ni dating Speaker at Taguig –Pateros Rep. Alan Peter Cayetano kung gaano kalaki ang itinaas na presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado, mga nawalan ng trabaho, mga nagsara na negosyo na labis na nakakaapekto sa mga mamayang Pilipino dulot ng patuloy na pananalasa ng COVID-19 pandemic.
Ilan din sa mga mahihirap na Pilipino ang hindi nakatanggap ng ayuda o tinatawag na Social Amelioration Program o SAP mula sa pamahalaan kaya’t napag-isipan ng mga naturang kongresista na ihain ang House Bill (HB) 5987.
Giit ni cayetano may pondo ang pamahalaan para maibatas ang naturang panukala.
Samantala sang ayon din ang mga naturang mambabatas sa naging reaksyon ni Congresswoman Stella Quimbo kaugnay sa magiging complicated ng mapagkukunan ng pondo hinggil sa BPP assistance program.
Una na rin sinabi ni Quimbo na kung kukunin sa unprogrammed ng 2021 budget ang inihaing bill ay sa halip kukunin na lamang ito sa P72.5 billion unprogrammed funds kung saan budget mula sa COVID-19 vaccine.
Prayoridad ng programang mabigyan ang senior citizens, persons with disabilities (PWDs), solo parents, mga nawalan ng trabaho, medical frontliners, pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFWs), mga indibidwal na hindi nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP), mga may Philippine National ID, at mga miyembro ng mga vulnerable sektor.