NAPIGILAN ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang isang major drug shipment na nagkakahalaga ng P10M.
Ayon sa report ng PNP Drug Enforcement Group, bandang alas 11:30 ng umaga ng Huwebes, Nobyembre 7, 2024 nang isagawa ang operasyon sa Cargohaus sa Parañaque City.
Katuwang ang Intelligence Foreign and Liaison Division ng PNP Drug Enforcement Group.
Nanggaling ang parcel sa isang tea company sa Ohio, USA at naka-address ito sa isang recipient sa Parañaque City.
Habang nakasulat naman sa balot nito ang “Jasmine Pearls Green Tea” at “Herbal Teas”, ngunit kalauna’y napag-alaman na kush pala ang laman nito na tumitimbang ng 7,154 grams na may street value na mahigit P10M.
Ayon sa PNP, malaking setback anila ito lalo na sa mga kriminal na nais guluhin at sirain ang seguridad at kinabukasan ng publiko partikular na sa paggamit, pagbebenta at ilegal na transaksiyon sa ilegal na droga.
“The interception of this major drug shipment is a significant setback for criminal networks and a crucial win for public safety. This operation underscores our unwavering commitment to protecting families from the dangers of illegal drugs. We will continue to dismantle these networks to ensure a safer future for all,” saad ni PBGen. Eleazar Matta, Director, PNP-DEG.
Agad namang dinala sa PDEA Laboratory Service ang mga ebidensiya para laboratory analysis nito.
Nauna nang ibinababala ng PNP sa publiko na maging mapagmatyag at tulungan ang mga kapulisan laban sa ilegal na droga para mapigilan na makapasok ito sa bansa at maipakalat sa mga komunidad.