P12.4B, inilaan ng CAAP para sa upgrading ng mga paliparan ngayong 2025

P12.4B, inilaan ng CAAP para sa upgrading ng mga paliparan ngayong 2025

NAGLAAN ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng P12.4B para sa modernisasyon at pagpapa-upgrade ng kanilang pasilidad ngayong 2025.

Mula sa naturang pondo, P10.6B ay ilalaan para sa civil works at P1.8B para sa equipment at system upgrading.

Sa pahayag ng CAAP, hakbang nila ito upang maging globally-competitive ang aviation sector ng bansa.

Makatutulong din ito upang mapalakas ang turismo at kalakalan ng Pilipinas ayon sa CAAP.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble