P122M halaga ng tulong ibinahagi ng DA sa mga magsasaka ng Cam Sur

P122M halaga ng tulong ibinahagi ng DA sa mga magsasaka ng Cam Sur

MAHIGIT P122M na halaga ng tulong pang-agrikultura ang ibinahagi ng Department of Agriculture (DA) sa Bicol.
Nasa 76 kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka sa Camarines Sur ang naging benepisyaryo nito.

Ilan sa mga ibinahaging tulong ay mga makinarya sa pagsasaka, mga hauling truck, mga motorized na bangka at iba pa.

Ang pamamahagi ng tulong ay bahagi ng inisyatibong ‘Trabaho at Serbisyong Pangkalusugan sa Bagong Pilipinas’, isang kolaborasyon sa pagitan ng DA, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Health (DOH).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble