P13.36-B na shabu na nakumpiska ng PDEA, nakatakdang sunugin ngayong araw

P13.36-B na shabu na nakumpiska ng PDEA, nakatakdang sunugin ngayong araw

AABOT sa P13.36 bilyong halaga ng shabu ang nakatakdang sunugin ngayong araw ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang pasilidad sa Lungsod ng Cavite.

Ang naturang mga droga ay mula sa pinagsama-samang anti-drug operations ng PDEA at Philippine National Police (PNP)sa iba’t ibang panig ng bansa.

Pangungunahan ngayong araw ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang nasabing aktibidad kasama si Court Administrator Justice Midas Marquez.

Idadaan sa thermal decomposition ang nasamsam na mga droga na katumbas ng mahigit sa dalawang tonelada ng iba’t ibang drug evidence na kinabibilangan ng methamphetamine hydrochloride, marijuana, cocaine, ecstasy, ephedrine, ketamine, at mga expired medicine.

Nasa 1000 degrees centigrade ang kakailanganing level ng init sa nasabing thermal decomposition para tuluyang matunaw ang mga droga na sa gitna ng tuloy-tuloy na operasyon ng PDEA.

Muling nilinaw ng ahensiya na wala silang itinatago o ni-recycle o ibinibenta gaya ng mga napapabalitang usapin laban sa PDEA.

Sa pamamagitan aniya ng ganitong seremonya, ay maipapakita nila ang transparency sa mga kumpiskadong iligal na droga  batay sa datos ng PDEA mula July 1 hanggang sa kasalukuyan.

Umano’y nasa P41.39 bilyong halaga ng shabu ang sinunog ng ahensiya sa ilalim ng administrasyong Duterte.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.