P13.6-M na shabu, nakumpiska sa Makati, suspek naaresto

P13.6-M na shabu, nakumpiska sa Makati, suspek naaresto

HULI ang isang lalaki sa inilunsad na operasyon ng pinagsanib na Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Station Investigation Section sa Makati City.

Kasabay rito ay nakumpiska ang P13.6 milyong halaga ng shabu mula sa suspek.

Kinilala ang drug suspect bilang si Aldren Mariscal Cabarrubias alias Aldren, 21-taong gulang at residente ng Pasay City.

Ayon kay PCol. Harold Depositar, Makati City police chief, naaresto si Cabarrubias alas 5:37 p.m kahapon, Enero 25, sa Evangelista Street corner Arnaiz Ave., Barangay Bangkal.

Narekober sa lugar ang isang plastic na pakete ng 2 kilo ng shabu, dalawang plastic bag na may markang Ninja Van, dalawang eco bag, P2,000 buy-bust money at 898 piraso ng P1,000 bill bilang boodle money.

Kasalukuyang nakadetino ang suspek sa isang temporary custodial facility para sa nararapat na disposisyon at nahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act (RA) 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Follow SMNI News on Twitter