APRUBADO na ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ang aabot sa 232.18 million dollars o katumbas ng P13.6B na loan para sa ‘Build Better More’ program ng kasalukuyang administrasyon.
Sa breakdown, nasa 188.18 million dollars o P11B ay gagamitin para sa phase 1 ng Laguna Lakeshore Road Network (LLRN) habang 44 million dollars (P2.5B) para sa Facility for Accelerating Studies for Infrastructure (FAST-Infra Projects).
Mapapansing sa ilalim ng FAST-Infra Projects, layunin nito ang makagawa ng master plan para sa passenger at freight transportation ng bansa at pagkakaroon ng resources para dito na low-carbon, climate-resilient, ligtas at technology-advanced.
Ang LLRN naman ay makatutulong para mabawasan ang travel time sa pagitan ng Lower Bicutan, Taguig City at Calamba City, Laguna.