MAKATITIPID ng P13-B kung isasabay ang plebisito para sa Charter Change (Cha-Cha) sa gaganaping 2025 Midterm Elections.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia, sakaling isabay ito ay maaaring kinakailangan lang ng karagdagang P2-K para sa bawat guro na may election duties.
Hindi naman aniya ipinagbabawal ng Supreme Court ang isabay ang plebisito at midterm polls.
Sa kabila nito ay inamin ni Garcia na mainam din kung hiwalay na isagawa ang plebisito upang magkaroon ng mas malalim na kaalaman ang mga botante hinggil sa Charter Change.