P141-M financial assistance, naibigay ng DSWD sa unang Sabado ng pamamahagi ng ayuda sa mga estudyante

P141-M financial assistance, naibigay ng DSWD sa unang Sabado ng pamamahagi ng ayuda sa mga estudyante

UMABOT na sa kabuuang P141-milyong cash assistance ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga estudyante sa buong bansa.

Ito ang kinumpirma ni DSWD Sec. Erwin Tulfo sa kanyang social media account.

Ani Tulfo, umabot na sa 48,000 estudyante ang natulungan ng DSWD sa unang Sabado ng Education Assistance Program ng kagawaran.

Samantala, humingi naman ng paumanhin ang kalihim sa mga naabala at nagagalit dahil hindi nabigyan ng kagawaran ng ayuda dahil sa kakulangan ng oras.

Ayon kay Tulfo, magiging kapartner na ng DSWD sa pamamahagi ng ayuda ang mga lokal na pamahalaan at ang Department of Interior and Local Government (DILG).

Ito ay para mapabilis ang pagbibigay ng ayuda sa mga estudyante lalo na at nagsisimula na ang pasukan para sa School Year 2022-2023.

Follow SMNI NEWS in Twitter