P15.3M halaga ng mga puslit na sigarilyo, nasabat sa Zamboanga Sibugay

P15.3M halaga ng mga puslit na sigarilyo, nasabat sa Zamboanga Sibugay

NASABAT ng mga awtoridad ang nasa P15.3M na mga puslit na sigarilyo sa Siay, Zamboanga Sibugay kamakailan.

Sa ulat, isang 25-years old na laborer ang naaresto sa isinagawang anti-smuggling operation, madaling araw noong Martes, Disyembre 3, 2024.

Maliban sa naaresto, nakumpiska rin ang nasa 261 na master cases, 314 reams, at 33 packs ng assorted smuggled cigarettes.

Kaugnay rito, ayon kay Brigadier General Bowenn Joey Masauding, Director ng Police Regional Office 9, magpapatuloy silang ipaiiral ang kampanya laban sa illegal smuggling at iba pang uri ng krimen sa rehiyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble