P150M, naipaabot na tulong sa mga apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Kanlaon

P150M, naipaabot na tulong sa mga apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Kanlaon

UMABOT na ng P149.9M ang naipaabot na tulong ng national government at local government units sa mga pamilyang apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Kanlaon.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), P45.72M ang natanggap ng Western Visayas habang P104.21M ang sa Central Visayas.

Hanggang nitong Enero 1, 2025, nasa 12,043 na mga pamilya o 46,259 katao ang apektado mula sa 26 na mga barangay sa Western at Central Visayas.

Samantala, sa ulat din ng NDRRMC noong Disyembre 31, umabot na ng P33.5M ang pinsala ng pag-aalboroto ng Bulkang Kanlaon sa sektor ng agrikultura sa Western Visayas.

Disyembre 9 nang pumutok ang Bulkang Kanlaon sa Negros Islands.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble