P151-B, nakalaang pondo para sa social protection programs ng DSWD

P151-B, nakalaang pondo para sa social protection programs ng DSWD

NAGBIGAY ng alokasyon ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit  P151 billion para maipagpatuloy ang major social protection service programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nakasaad din ito sa Republic Act 11936, o Fiscal Year 2023 General Appropriations Act (FY 2023 GAA).

Pinagtibay ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang pangako at pagsisikap ng gobyerno sa pagtugon sa mga agarang hamon na kinakaharap ng mga Pilipino, lalo na ang mga pinakamahina na sektor.

Dagdag ni Pangandaman, malinaw ang mandato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin na walang Pilipinong mapag-iwanan.

Batid ng Budget chief na ang mga social assistance programs ay nagsisilbing sandalan ng mga mamamayan na lubos na nangangailangan.

Kaya naman, sinigurado ng DBM na napopondohan ang mga naturang programa.

Kabilang sa major social protection services ay ang Sustainable Livelihood Program (SLP), Supplementary Feeding Program (SFP), Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances (PSIFDC) at ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Follow SMNI NEWS in Twitter