P16 na umento sa sahod ng mga manggagawa sa BARMM, aprubado na ng Bangsamoro Wage Board

P16 na umento sa sahod ng mga manggagawa sa BARMM, aprubado na ng Bangsamoro Wage Board

TATAAS na ng 16 pesos ang sahod ng mga minimum wage earners sa agriculture at non-agriculture sectors sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ay matapos aprubahan ng Bangsamoro Tripartite Wages and Productivity Board (BTWPB) ang umento sa sahod sa ilalim ng Wage Order No. BARMM-02.

Dahil dito, mula sa P300 ay magiging P316 na ang bagong basic pay rate para sa non-agriculture sector at mula P290 ay P306 na para sa agriculture sector sa mga probinsya ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at mga lungsod ng Lamitan at Marawi.

Habang makatatanggap naman ng bagong daily minimum wage na mula P325P314 ang mga manggagawa sa non-agriculture sector sa Cotabato City at Special Geographic Area (SGA) sa North Cotabato at P300P316 naman para sa agriculture sector.

Ang salary increase ay inaprubahan matapos ang konsultasyon sa mga kinatawan ng business at labor sector sa 5 probinsya at 3 lungsod sa rehiyon.

 

Follow SMNI News on Twitter