P170-K halaga ng shabu, nasabat ng PDEA sa Nueva Ecija

P170-K halaga ng shabu, nasabat ng PDEA sa Nueva Ecija

ISANG lalaking kasama sa target-list ang nahuli sa isang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Nahuli umano ito na nagtitinda ng shabu na nagkakahalaga ng P170-K, Lunes ng umaga, Abril 22, 2024 sa Nueva Ecija.

Batay sa inisyal na report ng PDEA Region III, kay Dir. Gen. Moro Virgilio Lazo, kinilala ang suspek na si Tomasito T. Mangalinao, 54-anyos, residente ng Brgy. San Juan, Cabiao, Nueva Ecija.

Narekober kay Mangalinao ang apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng mahigit-kumulang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170-K at ang marked money na ginamit ng nagpanggap na poseur buyer.

Ang mga nakumpiskang illegal substance ay ipinasa sa PDEA RO III laboratory para isailalim sa examination.

Ang operasyon ay isinagawa ng PDEA Bataan at Nueva Ecija Provincial Offices.

Isang non-bailable offense para sa paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs), at Section 11 (possession of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 ang isasampa laban kay Mangalinao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble