P170M halaga ng shabu, nasabat sa Cebu City

P170M halaga ng shabu, nasabat sa Cebu City

NASA 25 kilo ng shabu ang nasabat sa Tinago, Cebu City na ibiniyahe ng Kho Shippine galing Masbate.

Nangyari ito alas siyete ng umaga ng Miyerkules, Enero 22, 2025 nang magsagawa ng anti-illegal drugs operations ang mga tauhan ng PDEA, PCG, DOJ, PNP MG, NISG, CPA at BOC sa Pier 4, Tinago, Cebu City.

Ayon sa impormasyon, isang Red Pearl Mitsubishi Mirage na may plate number DAI 9332 ang naglalaman ng shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 25 kilo na may estimated market value of P170M.

Agad namang nagsagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad kaugnay sa pinamulan ng ilegal na droga.

Kinilala ang mga suspek na sina Edward Roche Loga, 41 anyos, residente ng Sto. Rosario, Isabel, Leyte at Edna Roche Loga, 63 anyos, residente ng Ermita, Cebu City.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter