P188 na murang pamasahe, iniaalok ng AirAsia Philippines

P188 na murang pamasahe, iniaalok ng AirAsia Philippines

SULITIN ang pagkakataong makapaglakbay! iniaalok ng AirAsia Philippines ang ikatlong sunud-sunod na “seat sale” ngayong Enero, na may murang pamasahe simula sa ₱188 papuntang mga piling destinasyon.

Nagsimula ang limited-time seat sale na may 523,830 seats mula January 13 hanggang 19, 2025, para sa mga biyahe sa pagitan ng February 3 at November 30, 2025.

Tampok ang mga ruta papuntang Kalibo, Cebu; Iloilo, Seoul; at Bangkok, Thailand. Ito ay kasunod ng tagumpay ng “AirAsia Fiesta Promo” at ng “25% Off on All Seats, All Flights” na promo.

Bilang opisyal na airline partner ng Ati-Atihan Festival 2025, handa ang AirAsia na magbigay ng maayos na paglalakbay patungong Kalibo, Aklan, upang masaksihan ng mga manlalakbay ang “Mother of All Festivals.”

May tatlong direktang flight araw-araw ang AirAsia mula Maynila patungong Kalibo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter