POSIBLENG magpatupad ng mas mahigpit na price control strategies ang Department of Agriculture (DA).
Ito’y sakaling mabigo ang kasalukuyang P58 per kilo na price ceiling sa mga imported na bigas.
Kung kinakailangan, kasali sa magiging strategy ang pagpapatupad na ng multa ng hanggang P1M para sa sinumang lalabag ng itatakdang price cap.
Ang P58 per kilo na price cap para sa 5% broken imported rice ay epektibo na noong Lunes, Enero 20, 2025.
Ngunit sa monitoring ng DA, nasa P59 hanggang P60 per kilo pa ang presyo ng 5% broken imported rice sa mga pamilihan.
Paliwanag naman dito ng mga nagbebenta, pinapaubos na lang nila ang kanilang stock na nabili sa mataas na halaga bago maipatupad ang P58 per kilo na price ceiling.