P2.00 dagdag-pasahe na petisyon ng FEJODAP, welcome sa LTFRB

P2.00 dagdag-pasahe na petisyon ng FEJODAP, welcome sa LTFRB

WELCOME sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang panawagan na P2.00 dagdag-pamasahe ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP).

Ito ang inihayag ni LTFRB Chairperson Cheloy Garafil.

Una nang sinabi ni FEJODAP National President Ricardo “Boy” Rebaño na maghain ito ng petisyon dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ani Rebaño, ito ay upang maka-survive ang mga driver na bumabalik na sa pamamasada.

Dagdag pa ni Rebaño, maaaring magbalik ang mga ito sa construction works kung tataas na naman ang presyo ng petrolyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter