P2.2-M pabuya para sa makapagtuturo ng kinaroroonan ng suspek sa pagpatay sa 2 pulis ng Bocaue, Bulacan

P2.2-M pabuya para sa makapagtuturo ng kinaroroonan ng suspek sa pagpatay sa 2 pulis ng Bocaue, Bulacan

SA 1st Quarter Joint Meeting ng Provincial Peace and Order Council at iba pang security task forces, inanunsiyo nitong Marso 12 ni Gov. Daniel Fernando ang karagdagang P2M pabuyang ibibigay upang mapabilis ang pag-aresto sa suspek na kinilalang si alias “Athan”.

Nasawi noong Sabado ng hapon sa Brgy. Tambubong ang dalawang pulis, sina Staff Sergeants Gian Dela Cruz at Dennis Cudiamat, matapos ang isang buy-bust operation laban sa ilegal na armas.

Inatasan naman ni Gov. Fernando si Bulacan PPO Director Col. Satur Ediong na paigtingin ang manhunt operation upang matiyak ang agarang pagdakip kay “Athan”.

Nauna nang naaresto ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) ang kapatid ni “Athan” na si alias “Dado,” na kapwa niya residente sa Brgy. Bunsuran, Pandi, Bulacan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble