NASA P2,300,000.00 halaga ng tanim na marijuana ang winasak sa isinagawang operasyon sa Sitio Nagawa, Brgy. Caoayan, Sugpon, Ilocos Sur.
Ayon kay PDEA RO I Regional Director, Director III Joel B. Plaza, binunot at winasak ng grupo ang 11,500 piraso ng ganap na lumaking tanim na marijuana mula sa tatlong plantasyon na may kabuuang lawak na 4,000 metro kuwadrado ngayong araw, Marso 12, 2025.
Ang operasyon ay ikinasa sa pinagsanib na pwersa ng PDEA RO I – Ilocos Sur Provincial Office (PDEA RO I-ISPO), Sugpon Police Station, Ilocos Sur Police Provincial Office-Provincial Intelligence Unit (ISPPO-PIU), at 2nd Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company (2nd ISPMFC).