P2.4-B budget, hiling ng coconut industry para sa 2025

P2.4-B budget, hiling ng coconut industry para sa 2025

NAIS ng Philippine Coconut Authority (PCA) na mabigyan sila ng malaking budget sa taong 2025.

Ayon kay PCA Administrator Dexter Buted, kumpara sa P158-M ngayong taon, nasa P2.4-B ang kanilang hinihingi para mas mapaunlad pa ang coconut production sa buong bansa.

Sa pamamagitan din ng mas malaking pondo, mabibigyan aniya ng mas mataas na alokasyon ang procurement ng fertilizers.

Sa ngayon ay target ng PCA na makapagtanim ng 8.4 milyon na seedlings bilang bahagi ng kanilang malawakang multi-year plan.

Madalas naman na itatanim ang mga bagong puno ng niyog sa Visayas at Mindanao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble