P2.4 Bilyon Mega Bridge sa Camalaniugan Cagayan, pinasinayaan

P2.4 Bilyon Mega Bridge sa Camalaniugan Cagayan, pinasinayaan

CEREMONIAL groundbreak ng P2.4 Bilyon Mega Bridge Project sa Camalaniugan, Cagayan na pinangunahan ni DPWH Sec. Mark Villar.

Pinasinayaan na ang pinaka-aabangang mega bridge sa lalawigan ng Cagayan na nagkakahalaga ng P2.4 Bilyon mula sa Build Build Build program ng Administrasyong Duterte.

Pinangunahan mismo ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang groundbreaking ng P2.4-Billion Bridge noong ika-25 ng Hunyo.

Inaasahang magsisimula na ang konstruksyon ng tinaguriang mega bridge sa lalawigan ng Cagayan na mag-uugnay sa Aparri at Camalaniugan.

Ayon kay Sec. Mark Villar, ang tulay ay magtataas sa socio economic development at productivity ng lugar gayundin sa kanilang kabuhayan gayung mayroon na silang madaling access patungo sa iba’-ibang barangay, munisipalidad at probinsya.

Ipinaabot ni Villar ang kanyang pasasalamat sa lahat at sinabing malapit sa kanyang puso ang Cagayan dahil ang asawa niya at pamilya nito ay taga-rito.

Pahayag ni Regional Director Loreta M. Malaluan, ang ahensya ay patuloy na magbibigay ng mas maganda at maayos na transportasyon sa mga motorista.

Sakaling matapos na aabot sa 6,000 byahero ang makikinabang sa mega bridge kada araw at magbabawas ng oras sa paglalakbay sa pagitan ng Aparri at Ballesteros na mula sa 1 hour 30 minutes ay magiging 30-45 minutes na lamang ang oras ng paglalakbay.

(BASAHIN: 45 patrol cars ipagkakaloob sa Cagayan Police)

SMNI NEWS