P2.5-B, kailangan para sa airside facilities project ng Clark Int’l Airport

P2.5-B, kailangan para sa airside facilities project ng Clark Int’l Airport

TINATAYANG nasa P2.5-B ang kinakailangan para sa pagpapalawak ng airside facilities bilang suporta sa operasyon ng tatlong bagong foreign logistics firms sa Clark International Airport.

Saklaw ng pagpapalawak ng pasilidad ayon sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President at CEO Engr. Joshua Bingcang ang konstruksiyon ng karagdagang cargo terminals, aprons para sa plane parking, taxiways, at iba pa.

Kung magiging operasyonal naman aniya ang bagong foreign logistics firms ay magkakaroon ng P1-B revenue kada taon ang bansa.

Nasa tatlong libo hanggang apat na libong trabaho rin ang magiging available para sa mga Pinoy mula dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble