P2.8-B pondo, inilabas ng DBM para sa pagbili ng firetrucks, emergency medical equipments

P2.8-B pondo, inilabas ng DBM para sa pagbili ng firetrucks, emergency medical equipments

NAGLABAS ang Department of Budget and Management (DBM) ng kabuuang P2.880-B sa Department of the Interior and Local Government-Bureau of Fire Protection (DILG-BFP).

Layunin nitong suportahan ang patuloy na pagsisikap sa modernisasyon at palakasin ang mga kakayahan ng pamahalaan sa paglaban sa sunog.

Inaprubahan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) para sa nasabing layunin noong Mayo 10, 2024.

Sinabi ni Pangandaman na naiintindihan ng ahensiya kung gaano kahalaga ang mga responsibilidad ng BFP sa panahon ng pagtugon tuwing emergency at mga insidente ng sunog.

Gagamitin ang P2.880-B pondo para sa pagkuha ng 154 firetrucks, 3 collapsed structure at rescue trucks, at 132 ambulansiya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble