P20.4-M halaga ng shabu nasabat sa Pasay, claimant arestado

P20.4-M halaga ng shabu nasabat sa Pasay, claimant arestado

NASABAT ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) at NAIA PDEA-IADITG ang P20.4-M halaga ng ilegal na droga mula sa isang parcel sa Central Mail Exchange Center sa domestic road sa Pasay City, Lunes ng hapon.

Ang nasabing parcel ay padala ng isang Juan Angel mula Vancouver Canada, na naka-consignee naman kay alyas Joseph Acogido ng Quezon City.

Arestado naman ng mga awtoridad ang claimant ng parcel na si alyas Joseph, habang kinukuha niya ang parcel kung saan nakasilid ang tatlong transparent plastic pouch na naglalaman ng tinatayang 3,000 grams na hinihinalang shabu.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble