P20/kilo na bigas, malapit nang makamit—PBBM

P20/kilo na bigas, malapit nang makamit—PBBM

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na malapit nang makamit ng bansa ang ipinangako niyang P20 per kilo ng bigas.

Nilinaw ni Pangulong Marcos na may mga bagay pang dapat gawin bago ito tuluyang makamit.

Makikita naman aniya na ibinebenta na sa National Food Authority (NFA) maging sa mga Kadiwa stall na nasa P25 bawat kilo na ang bigas.

Ipinaliwanag na rin ni Pangulong Marcos na ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay hindi nanggagaling sa ekonomiya ng bansa kundi sa mga pangyayari sa iba’t ibang lugar na hindi nako-control.

Follow SMNI NEWS in Twitter