NAKUMPISKA ng mga awtoridad ang umano’y hindi rehistradong mga Korean products na nagkakahalaga ng P200K mula sa isang tindahan sa Quezon City.
Sa isang pahayag, sinabi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang pagkakakumpiska at pagkakaaresto ay bunga ng isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Talipapa, Novaliches noong Martes, Mayo 20, 2025.
Sa operasyon ay nakuha ang 58 kahon ng iba’t ibang produkto gaya ng luncheon meat, kape, soft drinks, at juice.
Hindi umano ito rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA) ayon sa mga awtoridad at ibinebenta nang walang kaukulang lisensiya.
Nagresulta naman ang operasyon sa pagkakaaresto ng dalawang indibidwal.