P20M, ibibigay sa may impormasyon vs. agri smugglers, hoarders

P20M, ibibigay sa may impormasyon vs. agri smugglers, hoarders

MAKATATANGGAP ng hanggang P20M na incentives ang sinumang makapagbibigay ng impormasyon na ikadarakip ng smugglers at hoarders ng agricultural products.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), maituturing nang economic sabotage ang isang smuggling or hoarding activity kung umabot na ng P10M ang nasabat na mga kalakal sa ilalim ng Republic Act No. 12022.

Sa ilalim din ng nabanggit na batas, ang mapatutunayang guilty ay papatawan ng life imprisonment at walang bail.

Pagmumultahin din ito ng limang beses na mas malaki kumpara sa halaga ng nakumpiskang agri products mula dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble