UMABOT na sa 91% o P21.06-B ang naipamahagi na ayuda sa mga low income earners sa National Capital Region (NCR) Plus hanggang sa itinakdang deadline noong Mayo 15 ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Bukod dito, umabot sa 100% nang naipamahagi ng 37 na mga local government unit (LGU) ang ayuda sa kanilang mga benepisyaryo.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año na sa gitna ng lahat ng mga hamon, naihatid ng mga LGUs ang kanilang pagtatapos sa pamamahagi ng ayuda sa milyon-milyong mga benipisyaryo na pinarehistro ang 90 percent completion rate noong Mayo 15.
Sinabi ng kalihim na ang 91% na distribution rate ay isang patunay sa pangako ng LGU na ibigay ang pinakatulong na maibibigay nila sa kanilang mga benepisyaryo.
Noong Mayo 15, sinabi ni Año na nakuha ng Bulacan ang mataas na completion rate na 96.85 percent na P2.87-bilyong halaga ng tulong pinansyal sa may 12 LGUs.
Kabilang dito ang:
Balagtas
Baliwag
Bocaue
Calumpit
Doña Remedios Trinidad
Guiguinto
Norzagaray
Pandi
Paombong
Plaridel
San Miguel
San Rafael
“Alam ninyo po isang malaking hamon po talaga itong pamamahagi ng ayuda sa panahon ng pandemya at nakakatuwa na we saw the commitment of the LGUs. And now billions of pesos of financial assistance have reached our kababayans. The 91 percent or P21.06 billion ayuda distributed to qualified beneficiaries is a victory for the LGUs and the national government,” pahayag ni Año.
Ani Año, ang natitirang 9% ay nagrerepresenta sa hindi pa nakuhang ayuda, kung saan pinayagan ang LGUs na gamitin ito sa isang bagong payroll at ipamahagi ang mga ito sa iba pang mga apektadong indibidwal sa kani-kanilang mga pamayanan sa loob ng 10 araw.
Nakapagtala naman ang Laguna ng 19 LGUs na nakumpleto ang pamamahagi ng ayuda.
Ang mga LGU na nakakumpleto na ng ayuda sa Laguna ay ang:
Biñan
Cabuyao
San Pedro
Santa Rosa
Alaminos
Calauan
Famy
Kalayaan
Lumbac
Mabitac
Magdalena
Nagcarlan
Paete
Pagsanjan
Pakil
Pila
Rizal
Santa Cruz
Siniloan
Samantala, ang Rizal naman ang sumunod na may 93.34 porsyento, ang NCR ay may 90.99 porsyento at ang Cavite naman ay may 86.04 porsyento na may limang LGUs kasama na ang lungsod ng Tagaytay; Amadeo; Mendez; Naic; at Noveleta na naka kumpleto na ng pamamahagi ng ayuda.
Umabot sa 90.99% completion rate naman sa mga LGU ng Metro Manila na nagkakahalaga ng P10.17-B ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan E. Malaya.