P21.3-B halaga ng counterfeit items, nasabat ng BOC sa loob ng 7 buwan

P21.3-B halaga ng counterfeit items, nasabat ng BOC sa loob ng 7 buwan

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang counterfeit products na aabot sa P21.3-B sa loob ng 7 buwan ng taong 2023.

Ngayong Hulyo ay nasa P240-M ang nasabat na counterfeit items gaya ng luxury fashion brands na Balenciaga at Louis Vuitton.

Inamin ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, kasama sa kanilang hamon ang hindi sapat na trade facilitation sa pamamagitan ng brand certification o verification ng brand owners.

Maging ang lumalaking impluwensiya ng counterfeiters sa e-commerce sector.

Sinisikap pa rin naman aniya ng BOC na maging efficient ang kanilang trabaho.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter