P21.43-M, iniwang pinsala ng Bagyong Auring sa sektor ng agrikultura sa CARAGA

PUMALO sa P21.43 milyon ang iniwang pinsala ng Bagyong Auring sa sektor ng agrikultura sa CARAGA.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRMC) na kabilang sa mga affected commodities ay palay, mais, high value crops, livestock at fisheries.

Bukod dito, nakapagtala rin ng P2.87 milyong pinsala sa imprastraktura sa probinsya ng Surigao del Norte.

Habang nasa 679 naman ang bilang ng mga nasirang bahay sa Region 8, 10, 11 at CARAGA dahil sa bagyo.

Ayon sa NDRRMC, kabuuang 49,974 pamilya ang mga naapektuhan ng bagyo sa 456 barangay sa Region 5, 8, 10 at CARAGA kung saan halos 18,000 pamilya ang nananatili sa 176 evacuation center.

Samantala, sa tala ng NDRRMC ay isa ang nasawi, dalawa ang nasugatan at apat ang nawawala sa CARAGA dahil sa pananalasa ng unang bagyo sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.