NAARESTO ang isang Chinese national na kinilalang si Li, 35 na taong gulang, residente ng Mandaluyong City, matapos ang ikinasang buy-bust operation sa isang parking lot ng kilalang fast food chain sa Bacoor City, Cavite noong Marso 21, 2025.
Nasamsam mula sa suspek ang malaking halaga ng shabu at ecstasy tablets na aabot sa P217.6M, na nakasilid sa isang plastic bag.
Nakuha rin ang 4 na sachet na naglalaman ng 35 piraso ng kulay pulang ecstasy tablets na tinatayang nagkakahalaga ng P42K, isang Honda City, at iba pang personal na gamit ng suspek.
Nahaharap si Li sa kasong paglabag sa Section 5 o Sale of Illegal Drugs at Section 11 o Possession of Illegal Drugs ng Article II ng Republic Act 9165, o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Mahigpit nang binabantayan ang suspek matapos lumabas ang impormasyon na sangkot ito sa malawakang distribusyon ng ilegal na droga sa bansa.
“The arrested Chinese national has been under our tight watch for quite some time now under COPLAN: ‘Mafioso’. He is capable of distributing voluminous amounts of illegal drugs, and is now behind bars,” pahayag ni Isagani Nerez, Undersecretary Director General, PDEA.
Sa parehong araw, nakasabat din ang mga tauhan ng PDEA ng mahigit P800M halaga ng ilegal na droga na natagpuan sa loob ng dalawang bagahe sa Calapan Port, Oriental Mindoro.
Sa kabuuan, umabot sa mahigit P1B ang nasamsam ng mga awtoridad sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa loob lamang ng isang araw.
Follow SMNI News on Rumble