ISINAGAWA ang groundbreaking sa magkaibang barangay ng Mandaue City na pinangunahan ni Mandaue City Lone District Representative Emmarie Ouano-Dizon, ngayong linggo.
Ang dalawang proyekto ay nagkakahalaga ng P220-M, ito ay para maibsan ang problema ng mga Mandauehanon sa tuwing tag-ulan o bagyo na kalimitang matindi ang pagbaha sa mga naturang lugar.
“Ang ginawa nating flood control, matagal na itong problema sa Mandaue ang baha, dahil ang gusto natin ay mailigtas ang mga buhay at ang mga properties, ibig sabihin, ayaw nating mapunta sa alanganin ang buhay, kabuhayan at bahay ng ating mga kababayan,” saad ni Congresswoman Emmarie Ouano-Dizon, Lone District Representative of Mandaue City.
Ilalaan ang P180-M para sa 525.8 meter structure sa bahagi ng Tipolo Creek at P40-M naman para sa 188 meter flood control structure sa bahagi ng Butuanon River.
Ayon naman kay DPWH 7 Regional Director Ernesto Gregorio, Jr. malaking bagay ang nasabing proyekto sa Tipolo Creek dahil ma-proproteksiyunan nito ang buhay at mga tao na nasa paligid ng nasabing ilog.
“During heavy downpours, flood depths have reached to such heights that key roads were submerged, not to mention the heartbreaking destruction wrought on homes, properties, and businesses. However, today, we embark on a journey that will bring hope and relief to these flood-prone areas. It is a journey that brings the promise of resilience for the community and overall economic development for the people to benefit from. This journey wouldn’t have been possible if not for the excellent work of the passionate and indefatigable people behind this project,” ayon kay Director Ernesto Gregorio Jr., Regional Director, DPWH 7.
Ang nasabing proyekto ay bahagi ng P1.3-B flood control projects na inindorso ni Congresswoman Ouano-Dizon sa Department of Public Works and Highways.
Inaasahan na isusunod ang mga flood control projects sa mga barangay sa siyudad tulad ng Barangay Basak na may budget na P250-M, Jagobiao P60-M, Maguikay P220-M, Tabok P200-M at iba pang flood control structures sa iba’t ibang bahagi ng Butuanon River na may budget na P380-M.
Matatandaang noong nakaraang taong 2022 buwan ng Setyembre, matinding pagbaha ang naranasan ng Mandaue City kung saan 11 sa 27 mga barangay nito ang nalubog sa baha.
At para masolusyunan ang problemang ito, nangangailangan ang siyudad ng P5-B.