ISANG high-value individual ang naaresto ng mga awtoridad matapos mahulihan ng 3,420 gramo ng pinaghihinalaang shabu sa Caloocan noong Huwebes, Nobyembre 28, 2024.
Isang buy-bust operation ang ikinasa ng mga tauhan ng Caloocan City Police na nagresulta sa pagkakadakip ng isang high-value individual at tatlo pang kasamahan nito sa King Faisal, Phase 12, Brgy. 188, Caloocan City.
Nagkakahalaga ang shabu ng humigit-kumulang P23M.
Pinuri ng pamunuan ng NCRPO ang tagumpay ng operasyon sa pakikipagtulungan ng District Drug Enforcement Unit, Caloocan CPS, at PDEA.
Agad na dinala sa kustodiya ng Caloocan Police ang mga suspek na nahaharap sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”
“This is only the first of many more high-profile anti-drug operations which we will consistently launch in Metro Manila in adherence to our uncompromising stance against the evils of the illegal drug menace. Great job, Caloocan CPS!” saad ni PBGen. Anthony A. Aberin, Acting Regional Director, NCRPO.