P240-M technical assistance, inaalok ng European Commission sa Filipino seafarers

P240-M technical assistance, inaalok ng European Commission sa Filipino seafarers

INAALOK ng European Commission (EC) ang P240-M na technical assistance para sa edukasyon at training ng mga Filipino seafarer.

Ibinahagi ng Maritime Industry Authority (MARINA) na tatalakayin nila sa pagitan ng EC kung ano ang detalye ng naturang alok lalong-lalo na sa paghabol ng bansa sa Standards of Training, Certification and Watchkeeping for seafarers (STCW) convention.

Matatandaang sa loob ng 16 taon ay paulit-ulit na bigong makapasa ang Pilipinas sa evaluation ng European Maritime Safety Agency (EMSA).

Sa kabila rito, bagaman bigo sa mga evaluation ay nagpapakita na ng improvement ang bansa ayon sa EC.

Naibahagi pa ng MARINA na aabot sa 50-K na mga trabaho ng Filipino seafarers sa Europa ang napanatili dahil sa naturang nakitang improvement.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter