TINATAYANG nasa P250-300-M ang halaga ng pinsalang dulot ng sunog sa isang warehouse sa Potrero, Malabon.
Sa ulat ng may-ari ng warehouse, kabilang sa mga nasunog ay bike parts at gymnastic equipments gaya ng trampolines, dumbbells, at iba pa.
Wala namang naitalang pinsala sa kalapit na mga bahay ang nabanggit na sunog sa warehouse.
1:00 am ng Enero 1, 2024 nagsimula ang sunog at 1:21 na nang itinaas ito sa first alarm ng mga bombero.
2:00 am nang tuluyang itinaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang alarma sa Task Force Alpha.
Ibig sabihin, nangangailangan pa ng mas maraming firetrucks para maapola ang apoy.