HINILING ng Department of Health (DOH) na mabigyan sila ng karagdagang P27-B para magkaroon ng pondo ang health emergency allowance para sa mga medical worker.
Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Budget and Management (DBM) at iba pang ahensya ng pamahalaan para dito.
Umaasa si Vergeire na mapagbibigyan sila bago mag-Pasko.
Hanggang October 2022, nakatanggap na ang DOH ng P11.5-B para sa health emergency allowance na saklaw ang mga buwan ng January hanggang June 2022.
Aabot sa 1,617,660 na health workers ang nabigyan dito.