UMABOT sa P272M ang halaga ng nasabat na hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Binangonan, Rizal noong Marso 19, 2025.
Sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary, Isagani Nerez, tinatayang nasa 40 kilo ng ilegal na droga ang nakumpiska mula sa suspek na kinilala bilang alyas “Ronald.”
Nasamsam sa suspek ang 40 black gold foil packs na naglalaman ng puting kristal na substansiya na hinihinalang shabu.
Isinagawa ang operasyon sa Rizal Cement Village, Brgy. Pantok, Binangonan.
Pinangunahan ito ng mga operatiba mula sa PDEA Intelligence Service, PDEA Regional Office-NCR, PDEA Regional Office IV-A Rizal Provincial office, at PNP Drug Enforcement Unit (PDEU) Rizal.
Nahaharap ngayon si alyas “Ronald” sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng article II ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”
Editor’s Note: This article has been sourced from the PDEA Top Stories Facebook Page.
Follow SMNI News on Rumble