IBINASURA ng Sandiganbayan ang isang P276M na wealth forfeiture case laban kay Imelda Marcos at sa namayapa nang Ferdinand Marcos Sr.
Sa paliwanag ng Anti-Graft Court, hindi na maaaring isalang sa isang trial ang defendants dahil karamihan sa potential witnesses laban sa kanila ay namatay na.
Ang mga documentary evidence rin ng mga ito ay posibleng hindi na ma-locate dahil 37 taon nang naka-pending ang kaso na ito matapos ihain noong 1987.
Sina Pangulong Bongbong Marcos Jr., Sen. Imee Marcos, at Irene Marcos-Araneta ay hindi rin maaaring makapag-testify dahil minors pa lang sila sa panahong ito na umano’y ginawa ang ilegal na transaksiyong may kaugnayan sa Pinugay Estate na nangyari 53 taon na ang nakalipas.
Kasama sa P276M na halaga ng mga property ang anim na condominium units ng mga Marcos sa California, dalawang lote at dalawang condominium units sa Baguio City, isang residential building sa Makati, at isang residential lot sa Manila.