NASABAT ng mga awtoridad nitong Hunyo 14, 2025 ang nasa P29.7M na halaga ng hinihinalang shabu sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Katumbas ito ng 4,368 gramo ng kontrabando.
Ang hinihinalang shabu ay nadiskubre sa routine luggage screening ng isang pasaherong dumating mula Malaysia.
Agad na inaresto ang suspek at itinurn-over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).