P2B shabu nasamsam ng PH Navy, PDEA sa laot ng Zambales

P2B shabu nasamsam ng PH Navy, PDEA sa laot ng Zambales

DAHIL sa isang intel, matagumpay na nasabat ng Philippine Navy at PDEA ang nasa 1.5 toneladang shabu na tinatayang P10B ang halaga sa operasyon sa baybayin ng Zambales noong Hunyo 20, 2025.

Ayon sa Northern Luzon Naval Command, nakita ang mga kontrabando sa isang bangkang nakalutang sa dagat.

Itinuturing naman ito bilang isa sa pinakamalaking drug haul sa kasaysayan ng Philippine Navy.

Sa mga nakaraang linggo, sunod-sunod ang pagkakasamsam ng mga palutang-lutang na shabu sa iba’t ibang baybayin ng Norte na pinaniniwalaang galing sa hindi pa matukoy na sindikato.

Patuloy pa ring iniimbestigahan kung saan nagmula ang mga ito at kanino sana dadalhin.

Sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr., kabi-kabila ang drug operations sa bansa, kasabay ng pagtitiyak ng pamahalaan na seryoso ito sa kampanya kontra ilegal na droga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble