P3, 000, ipapataw sa mga hindi magsuot ng face mask sa San Juan City

P3, 000, ipapataw sa mga hindi magsuot ng face mask sa San Juan City

BONUS OFFER

 

IPINATUPAD sa San Juan City ang City Ordinance No. 45 na magpapataw ng multang P3, 000 sa sinuman na susuway sa health protocols ng pamahalaan kontra COVID-19.

 

Kabilang din sa papatawan ng kaparehong parusa ang mga taong hindi isinangguni ang mga pasyenteng may sintomas ng COVID-19 at hindi sumunod sa social distancing.

 

Batay naman sa World Health Organization na siya ring batayan ng Department of Health,  mariing ipinapaalala nito ang ilang pag-iingat para makaiwas sa nakamamatay na sakit na coronavirus disease 2019.

 

Mga paalala para makaiwas sa nakamamatay na sakit sa coronavirus disease 2019:

[su_slider source=”media: 4325,4326″ limit=”15″ link=”post” width=”1600″ height=”860″ title=”no” pages=”no” mousewheel=”no”]

 

Ang mga paalala ay istriktong ipinatutupad ng San Juan City Government para labanan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 sa lugar.

 

Naitala ngayong linggo ang walong bagong kaso ng COVID-19 na siyang dumagdag upang  umakyat  sa 558 ang kaso nito sa lungsod habang wala namang naidagdag na nakarekober.

 

Nananatili namang mataas ang aktibong kaso sa lugar na nasa 198, 103 suspect cases habang isa ang probable case.

 

Samantala, nilinaw ng San Juan City LGU na wala pa silang natatanggap na memorandum o kautusan mula sa tanggapan ng Department of Interior and Local Government o DILG kaugnay sa Oplan Kalinga Program nito.

 

Bagama’t hindi naman daw sila nagpapabaya sa tungkulin na mapaigting ang mga lokal na programa nito kontra COVID-19.

 

“So far, we have not received any official directives from DILG or IATF on Oplan Kalinga. The city is ready to implement the program but will wait for the official directives before implementing,” ayon kay Brian Geli, Chief PIO ng San Juan City.

 

Sa katunayan,  upang higit na mapigilan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa lungsod,  hinikayat nito ang publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng voluntary admission sa tatlong COVID-19 facilities sa lungsod.

 

“In the meantime, we will continue to encourage our constituents who are COVID positive to admit themselves to out three (3) existing isolation facilities – the San Juan Medical Center, the Kalinga Center and the San Juan National High School Basketball Court,” pahayag ni Geli.

 

Wala namang dapat alalahanin ang mga pasyente dahil sagot na mismo ng San Juan City LGU ang gastos sa gamutan, libreng gamot,  libreng pagkain, libreng wifi at cash aide na P3000.

 

“Patients in these facilities get free medical attention 24 hours, free medicine, free food, free WiFi and P3,000.00 financial assistance,” dagdag ni Geli.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.