P3.4-M halaga ng shabu, nasabat sa isang Chinese national ng PDEA sa Angeles City

P3.4-M halaga ng shabu, nasabat sa isang Chinese national ng PDEA sa Angeles City

ARESTADO ang isang 24-anyos na Chinese national matapos magbenta ng 500 gramo ng meth (shabu) na nagkakahalaga ng Php 3,400,000.00 kasunod ng buy-bust operation sa Brgy. Cuayan noong Linggo Hulyo 21, 2024.

Sa report ng PDEA provincial officer kay Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang suspek na si Long Chen, 24, residente ng Savannah Green Plains, Angeles City.

Narekober kay Chen ang isang brown paper bag na naglalaman ng isang resealable plastic na naglalaman ng mga ilegal na substance na droga o shabu, isang smart phone at isang BMW unit Sedan.

Ayon sa PDEA, halos apat na taon nang nasa Pilipinas si Chen at nangungupahan ng isang unit sa Angeles City.

Ang operasyon ay isinagawa ng magkasanib na operatiba ng PDEA Pampanga Provincial Office at Angeles City Police Office.

Isang non-bailable offense ng Section 5 (sale of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa nadakip na suspek.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble