P3.4M halaga na droga, nasabat sa anti-drugs ops sa Quezon City

P3.4M halaga na droga, nasabat sa anti-drugs ops sa Quezon City

MATAPOS na magpanggap na posseur buyer ang ilang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), agad na inaresto ng mga awtoridad ang tinaguriang high-value drug personality sa ikinasang buy bust operations ng mga tauhan ng PDEA Region 4-A, Special Enforcement Team, PDEA RO-National Capital Region, at PNP Quezon City Police District Drug Enforcement Unit.

Nangyari ito nitong araw ng Linggo, Enero 26, 2025 ganap na alas diyes ng umaga nang mabulilyaso ang bentahan ng ilegal na droga sa Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City

Mula sa nasabing operasyon, nakuha ang droga kay alias “Jahid” na nakasilid sa isang green tea bag na may timbang na 500 gramo  o katumbas ng P3.4M.

Agad na sinampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Transportation of Dangerous Drugs), sa Article II ng RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble