NAARESTO ang isang lalaking suspek kasunod ng isinagawang anti-illegal drugs operation ng PNP Drug Enforcement Group sa Caloocan City, Martes, Disyembre 3, 2024.
Alas dos ng hapon nang masakote ang suspek ng mga operatiba ng Special Operations Unit National Capital Region (NCR), Caloocan Caloocan City Police Station at PDEA Regional Office NCR sa isang mall sa Rizal Avenue Exit, Brgy. 72, Caloocan.
Tinaguriang High Value Individual ang 41 anyos na lalaki na residente ng Balangkas, Valenzuela City.
Nakumpiska mula sa suspek ang nakatali na transparent plastic sachets na may lamang shabu na tumitimbang ng 500g, na may estimated street value na P3.4M.
Ayon sa PNP, ang matagumpay na operasyon na ito ay indikasyon ng pinahigpit na kampanya kontra ilegal na droga kasabay ng pangakong ‘di sila titigil sa pagtugis sa mga sangkot sa iba’t ibang uri ng kriminalidad.
“This buy-bust operation serves as a strong reminder to criminal syndicates that the PNP is relentless in its mission to combat drug trafficking. Each operation is a step closer to a safer and drug-free community, and we will continue to pursue these criminals with determination and resolve,” saad ni PBGen. Eleazar Matta, Director, PNP-DEG.
Agad namang dinala ang suspek at iba oang ebidensiya sa kostudiya nh Special Operations Unit NCR, PNP-DEG para sa dokumentasyon nito habang nasa pangangalaga naman ng PNP Forensic Group, Camp Crame, Quezon City ang mga droga para sa isasagawang laboratory examination rito.