P30.6M na shabu, nakumpiska sa Mandaue City, Cebu

P30.6M na shabu, nakumpiska sa Mandaue City, Cebu

NAKUMPISKA ng mga awtoridad mula sa isang suspek sa Mandaue City, Cebu ang nasa P30.6M na halaga ng pinaghihinalaang shabu.

Isinagawa ang buy bust operation noong Biyernes, Disyembre 20, 2024 at dito na naaresto ang suspek.

Nasa kabuuang 4.5 kilos ng shabu ang kinuha mula sa 28-anyos na lalaki.

Kasalukuyan nang naka-detain sa Mandaue City Police Station ang suspek.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble