NANGAKO ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Transportation (DOTr) na magbibigay ng P30 milyong pondo para sa restoration ng Cagayan River.
Ang nasabing halaga ay ilalaan sa para sa sweldo ng mga repatriated overseas Filipino workers (OFWs) sa probinsya na kukunin upang tumulong sa pagtatanim ng bamboo sa Cagayan River Banks.
Ayon DOLE Sec. Silvestre Bello III, gagamitin ang pondo upang i-train ang mga OFWs na naapektuhan ng pandemya sa pagtatanim ng bamboos upang mapatibay ang riverbanks at upang matuto ito kung paano kumita sa pagtatanim.
Layon nito na mabigyan ng kabuhayan ang mga OFWs at upang maprotektahan na rin ang riverbanks laban sa posibleng pgaguho.
Bukod dito, namahagi din ang DOTr ng mga bangka, nego-karts at financial assistance para sa mga mamamayan ng probinsiya bilang panimula.
Siniguro din ng dalawang ahensiya na patuloy nitong gagampanan ang kanilang responsibilidad sa Build Back Better Program ng pamahalaan lalo na para sa mga naging biktima ng mega flood sa Cagayan.