P30M halaga ng marijuana kush mula sa 2 warehouse sa Taguig, nai-turn over sa mga awtoridad

P30M halaga ng marijuana kush mula sa 2 warehouse sa Taguig, nai-turn over sa mga awtoridad

NASA P30M na halaga ng marijuana kush ang nai-turn over sa mga tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa anti-illegal drug ops sa National Capital Region Police Office (NCRPO) Taguig City, araw ng Biyernes, Disyembre 28, 2024.

Ayon sa sumbong ng mga tauhan ng UMAC Forwarders Express, Inc., dalawang malalaking packages ang kanilang napansin na may kahina-hinalang laman kaya agad nila itong inireport sa mga pulis.

May nakasulat na UMTC435241 at UMTC435242 ang nasabing malalaking box na nakapangalan sa isang Samuel Cepeda ng Norzagaray, Bulacan.

Nang buksan ang mga bagahe, nakita ang nasa 20K gramo ng nakaplastic na marijuana kush na may estimated value na P30M, kasama rin sa narekober ang non-drug items gaya ng canned goods, rice, at mga damit.

Agad na isasailalim sa forensic examination ang mga ilegal na droga habang nasa pangangalaga naman ng PNP-DEG ang ibang ebidensiya para sa documentation at disposisyon nito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter