P31.5-M peke at hindi rehistradong health products, nakumpiska ng BOC sa Sta. Cruz, Maynila

P31.5-M peke at hindi rehistradong health products, nakumpiska ng BOC sa Sta. Cruz, Maynila

NAKUMPISKA ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P31.5 milyong halaga ng smuggled counterfeit at hindi rehistradong health products sa dalawang operasyon sa Santa Cruz, Manila noong Abril 19, 2022.

Sa bisa ng Letters of Authority (LOA) na inisyu ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ininspeksyon ng mga otoridad ang mga warehouse sa 1005 Ongpin St., Santa Cruz, Manila at Units A, B, C, at D sa 641 Fernandez Street, Santa Cruz, Manila.

Kabilang sa mga nadiskubre sa mga bodega ay mga medical at cosmetic products na may brand na Lianhua Lung Cleansing Tea, healthy brain pills, Gluta Lipo, Lidan Tablets, Nin Jiom Pei Pa Koa, Vita Herbs at iba pang produkto na may Chinese brands.

Ayon sa BOC, tinatayang nagkakahalaga ng P9.5 milyon ang mga produktong natagpuan sa mga bodega sa 1005 Ongpin St. habang P22 milyon naman sa 642 Fernandez St.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng BOC sa mga produkto sa posibleng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act Republic Act, Intellectual Property Code of the Philippines at Food and Drug Administration Act.

Follow SMNI News on Twitter